Lumipas na naman ang kaarawan ko. Salamat sa mga nakaalala.. Sa mga kakilala, kaibigan,kaeskwela, kamag anak at sa mga dating karelasyon. Nakakatuwa pa ring isipin na marami pa rin pala ang nagmamahal s akin. Yun nga lang syempre lahat naman tayo dumarating sa puntong minsan ang pakiramdam mo kahit andyan sila may kulang pa din.. Ano nga ba? Jowa boylet kasintahan o kahit ano pa mang tawag eh yun naman talaga ang kulang sa akin. Sabi ko nga sa nanay ko kanina ngayon lang ako nagbirthday ng walang jowa ah… Oo nga naman.. Napaisip din tlga ako sa sinabi ko. Actually meron naman..yun nga lang.. Wala sa tabi ko. Kanina pa nga ako nag eemote eh ayaw ko na lng entertainin. Paguwi galing work derecho sa higaan.O ayan at natapos din naman..meron pa namang susunod na taon..bahala na si catwoman.